Friday, May 30, 2008

best friend... best lover


I was 16 years old ng pumasok ako bilang isang 1st year high school student sa isang international school dito sa Riyadh Saudi Arabia. kung tatanungin nyo kung bakit late. financial problems po kaya kailangan akong tumigil ng 2 years para ung kuya ko naman ang makapagtapos. 1 week pa lang ako sa school. akala ng iba suplado daw ako. kasi di ako namamansin. sa totoo lang di naman sa pagiging suplado. medyo nahihiya lang ako sa kanila because of my age. makapal naman ang mukha ko pero iba ito eh. one thursday afternoon nasa school kami. doon kasi ang venue ng Modelling group kung saan kabilang ako. (nirentahan lang ang school every weekends). may isa akong kaibigang model na babae. ipinakilala nya ako kay Kent. and here's how our conversation sounds like:
"Kuya Rel, si Kent nga pala dati kong kaklase sa Al Danah" sabi ni Kristine"Hello, Kent. ""Hello Kuya Rel?""Rel short for Jorel. hehe! wierd no?" sabi ko naman"Saan ka nga pala nag aaral?" tanong ni Kent sakin"Dito. ""Dito? as in dito sa Central?""Oo, dito. bakit? eh ikaw?""Dito din!" hahahaha! I forgot 1 week pa lang ako dito sa school. and di pala ako naipakilala sa HS dept.Tawa ng tawa si Kristine. pati ako natawa na din sa itsura namin ni Kent dahil pareho kaming nagulat. lalo na sya. "Ay. new student lang kasi ako dito. 1 week pa lang ako dito. kaya siguro di mo ako kilala""Sabi nga nila may bago daw student, pero di ko naman alam na ikaw pala un. " sabi naman ni Kent"Ano year mo?" tanong ko naman"2nd year ako ngaun eh ikaw?""1st year. pero mas matanda ako sa iyo. " sagot ko naman"ah. "and that's how we met. liit liit ng campus ni di kami nagkakilala.
Makulit sya. magulo. kalog at palabiro. pareho kami. actually magkahawig kami. the only difference is mas matangkad ako, mas maputi sya, mas matangos ang ilong nya at mas gwapo kesa sakin. during our conversation. nalaman ko na mahilig syang sumayaw at kumanta. parang ako nga. friendly sya at madali ko syang nakagaanan ng loob.
Saturday. pasukan na naman. recess time. di pa ako nakakalabas ng classroom ng biglang may nagtakip ng mga mata ko. nagulat ako syempre. "Huy? alisin mo nga yang kamay mo! di ako makakita. " naririnig ko syang tumatawa pero di pa rin inaalis ung mga kamay nya sa mata ko. "sige na! sirit na! ahaha!" at tumawa na lang din ako. tinanggal din nya ang kamay nya. "BULAGA KUA!" lang hiya si Kent lang pala. "Oh, anong ginagawa mo dito?""La lang pinuntahan kita, sabay na tau mag recess. ""Sige. " siya ang pinaka una kong kaibigan from other levels.
and ayun sunod sunod na ang pagpunta at pagtambay nya sa classroom. pag may party sa class nila. di mawawala na dalhan nya ako ng pagkain. para daw tipid. di na kami gagastos. how thoughtfull. nakakatuwa. hanggang sa matapos na ang freshmen year ko.
Sophomore year. May ginanap na Spelling Quiz bee sa Philippine embassy. meron kaming representative sa contest na un. kaya pinapunta kaming mga students doon. ayun pumunta din naman ako. at doon ko lang uli nakita si Kent. 2 months kaming walang communication ng taong to. kasi naman umuwi siya sa Pinas. eh ako andito lang sa Riyadh. ng makita nya ako na papunta na sa area na designated para sa school namin. eh bigla ba naman tumakbo at sinalubong ako. parang miss na miss ako ng taong to ah!"Kuya!" and he gave me a hug. and syempre nagulat din naman ako. pero sabagay. matagal ko nga syang di nakasama. and i have to admit namiss ko din sya. natapos na ang quiz bee. panalo ang school namin CHAMPION! nagsiuwian na ang mga schoolmates namin. nagpaiwan ako kasi manonood ako ng Philippine Independence Program. gabi na un mga 8 pm na ata. akala ko nagsi alis na lahat. un pala. "Kuya, di ka pa uuwi?""Oh andito ka pa? akala ko ba nakaalis na kayo?""Wala akong masabayan eh. san ba kayo nakatira?""Ako sa Oleya eh ikaw. "sa Sulemania malapit sa Al Jazeerah. ""So wala kang nasabayan?""Oo, eh paano ka ba uuwi?""Mag tataxi lang ako eh. pero gusto mo sabay ka na lang. padaanin ko muna ung taxi sa inyo. bago ako umuwi. ""Sige, thanx talaga kua ah. manonood ka din?""Oo. wala din naman kasing gagawin sa bahay eh!""Teka lang kuya may bibilhin lang ako. "sabi naman nyaafter ilang minutes. umupo na si Kent sa tabi ko. may dalang 2 barbecue hotdogs and 2 glasses of sago gulaman. "Di ka din gutom no?" biro ko naman"Sira, para sa iyo tong isa" ay ang sweet naman"Libre?""Oo" o sige since libre tanggapin na. heheh!
nanood lang kami ng show. boring naman pala. kaya i decided na umuwi na. it was around 10:30 pm. gabi na. at antok na ako. niyaya ko na si Kent para umuwi. walang pumapasok na mga taxi sa loob ng Diplomatic Quarters sa mga oras na ganyan. kaya no choice kami kundi maglakad ng sobrang layo para makalabas ng DQ at makapunta sa highway kung saan naghihintay ang mga public transpo. mga 15 minutes na kaming naglalakad ni Kent. nagkukwentuhan lang. medyo malayo layo pa ung labasan. maya maya napansin kong hinihingal na si Kent at nakahawak sa lower right stomach nya. parang hirap na hirap sya.
"Uy, Kent ok ka lang? parang nahihirapan ka. ""Kuya, sakit kasi nung sugat ko. parang bubuka. ""Anong sugat?""Kasi nung bakasyon inoperahan ako. appendicitis eh. ""Patingin nga?"at pinakita naman nya ang sugat. medyo magaling na pero parang namumula. naku baka bumuka. wala pa namang mga kotse. kawawa naman sya. no choice ako. at dahil concern at caring akong tao. anong ginawa ko? Ipinasan ko lang naman sya sa likod ko. medyo may kabigatan tong si Kent ah. tamlay tamlay nya. hinang hina. "Thank you Kuya. " ibinulong nya sakin. "Wala un. ok lang. exercise to no!" at bigla na din akong kumanta para mabawasan ang pagod. "Ano ba ang meron sila. na di matatagpuan sa akin. ako nga ba kakaiba?" nagtaka naman si Kent kung bakit un ang kinanta ko. "Para kunyari kuba na lang ako. " ahahah at nagtawanan na kami. maya maya may isang pick up van na paparating. ibinaba ko si Kent. pinara ang van. at nakisakay kami sa Indianong driver hanggang sa high way. nagpapasalamat talaga ako sa driver. buti di kami siningil. at aun nga idinaan ko muna si Kent sa kanila.
Saturday. may pasok na naman. pagpasok ko ng gate. nakaabang na si Kent dun. aba! talagang hinihintay ako nito. bakit kaya?"Kuya, good morning. ""Good morning. oh my hinihintay ka?""Wala na, andito na eh! ehehe! ikaw!""Huh? bakit naman?""Di kasi ako nakapagpasalamat nung hinatid mo ako sa bahay eh. SALAMAT pala""Naku wala un. kaw talaga. "
At lalo pa kaming naging close ni Kent. kinuwento nya sakin ung mga naging problema nya. ung ex gf nya na naging friend ko din. and marami pang iba. kasali kami sa Pep Squad at Chorale nun. ok na sana kami. BESTFRIENDS na kami. madalas nga kami napagkakamalang magkapatid dahil hawig daw kasi. medyo nga.
Madalas na din kaming maglakwatsa ni Kent. ako lagi ang nagpapaalam para sa kanya. lakas ko kasi sa parents nya. madalas din ako mag overnight sa kanila. basta pag nasa bahay nila ako. masaya ako. di ko maipaliwanag eh. magkatabi kaming matulog tapos minsan hinug nya ako.maski pag gising ko nakayakap pa rin sya sakin. sa totoo lang walang halong malisya. siguro dahil wala syang kuya. ako na ang ginawa nyang kuya. and i do like him to be my brother. wala na syang maitatago sakin. lahat alam at nakita ko na sa kanya. hehehe! not in a bad way. nakakatawa nga eh. ok. nagsasabay na din kaming maligo ni Kent. pero naka brief pa rin kami pareho. ewan ko ba. privacy diba? pero one time. nagpunta kami sa isang Isteraha (town house na nirerentahan per hour) pagkatapos mag swimming syempre kelangan maligo para di mangati. sabi ko sabay na kaming maligo para mabilis. dahil kakain na daw. nung nasa banyo na kami. eh di aun. naka pang swimming pa rin kami. pareho kaming naka shorts. i tried to switch on the lights. madilim kasi. kaya lang ayaw mag on. siguro busted ung bulb? so no choice kung di maligo in the dark. i decided to take off my underwear. madilim naman kasi. at isa pa. di kaya madaling maligo ng madilim at nakabrief no! nag kukwentuhan lang kami at nagtatawan habang nagshower. pero biglang natigil ang tawanan namin. ng biglang. bumukas ang ilaw. naku may sira ata ang starter ng ilaw na to. lumiwanag ang buong paligid and the next thing we both know. eh pareho kaming nakahubad at parehong shock. at napasigaw. sabay tawa. that was the first time na nakita namin ang isa't isa fully naked. at dahil nagkakitaan na nga. wala ng maitatago. kaya no use din. naligo lang kami na hubo't hubad. naghaharutan pa kami. ahaha! pinipisil ko ung utong nya. siya naman kinukurot tiyan ko. kasi medyo may tiyan ako. sya naman may abs. kaya nga inggit ako sa katawan nya. pero ok lang may height naman ako. since then pag nagsasabay kaming maligo. pareho na kamign hubot hubad. pero walang malisya to ah! Brotherly kung baga. di na kami nagkakahiyaan.
ok na sana ang lahat kaya lang. susubukan pala talaga ng tadhana ang pagkakaibigan namin. na assign akong team captain ng squad namin. di ako nakatanggi. kailangan talaga eh. as time passes by, di ko na namalayan na lumalaki na ang ulo ko. na nakakakit na pala ako ng tao. isa na dun si Kent. di ko napapansin sa sarili ko na yumabang ako. porke ako ang captain and trainor ng squad. basta di ko maipaliwanag. hanggang sa unti unting lumayo sakin si Kent. 2 months kaming di nag uusap. at ang sakit nun para sakin. Kent my Bestfriend iniwanan na ako. hanggang sa nakapag usap kami ng masinsinan. at dun ko nalaman ang sama ng loob nya sakin. na nagbago na daw ako. na wala na daw ung Kuya na nagustuhan nya. na nageenjoy syang kasama. and so that was the cool off of our friendship. distance and space daw muna. hanapin ko daw muna ang sarili ko. ibalik ang kuya jorel na nakilala nila at nagustuhan nila (cool off? parang magsyota no?) hanggang sa dumating ang bakasyon. masama ang loob ko pero wala akong magagawa. i need soul searching. 2 months na bakasyon. walang paramdaman. di talaga ako nakipag usap sa kanya. distance time and space. i kept telling myself. then the nex thing I know. June na pasukan na naman. 3rd year na ako. 4th year naman sya. very awkward. di pa rin kami nag uusap. maski magkakasalubong sa hallways and corridors o kahit pa katabi ko na sya. wala pa rin pansinan.,hangang sa dumating ang September. nakita ko syang nakaupo sa isang bench sa quadrangle. mag isa lang at parang may mabigat na iniisip. i think its time para maitama ko ang mga mali sa buhay ko.
"Kent. pwede ka ba makausap?" mahina kong sabi"Ah. Kuya ikaw pala yan. sige ano un?" medyo ngumiti sya. kaya medyo nabawasan ang kaba kong nararamdaman. baka kasi di nya ako kausapin eh. ""Kent. I'm so sorry. di ko sinasadya. di ko na uulitin. "seryoso kong sabi"Wala na un kuya, ang mahalaga eh narealize mo ang mga pagkakamali mo at napapansin ko din naman na unti unti ng bumabalik ang dating kuya jorel eh. so ok na un. ""So meaning peace na tayo?""oo naman. basta ba ipangako mo lang sakin na di mo na uulitin ung mga un. nasaktan mo kaya ako. bestfriend pa man din kita. ""Promise di na talaga. sorry talaga nasaktan kita. dont worry babawi ako sa iyo. "
at dyan na kami uli nag simulang mag usap muli. medyo bumalik na ung bonding namin pero di pa rin maiaalis ang tampuhan at misunderstanding. pero ok na kami un ang mahalaga. hanggang sa dumating na ang buwan ng MArch. graduation na. uuwi na sya sa Pinas para magcollege. at ako eto. mag 4th year na sa pasukan. di kami nawalan ng communication ni Kent. lagi kami chat at messages sa friendster. nanibago din ako sa itsura nya ngayon. mas pumogi at marunong ng mag ayos ng sarili. nax ang porma ah! ibang iba na sya. eh ang ugali kaya nya un pa rin kaya? di maiaalis sakin na mamiss ko sya ng sobra. kasi buong 3 years ko kasama ko sya. pero nagtaka din ako sa sarili ko. iba ang pagkamiss ko sa kanya. parang there's something deeper than him being by bestfriend a reason para mamiss ko sya. and dun ko na lang nalaman sa sarili ko na nahulog na pala ang loob ko sa kanya. ngayon ko lang narealize na may feelings na pala ako sa kanya. pero mali eto. baka nagkakamali lang ako. hanggang sa binawasan ko ang pakikipag chat sa kanya pati na rin ang pag bibigay ng comments o messages sa friendster nya. nagtatampo na sya kaya guamnti din. hanngang sa Dec na. nagparamdam ako uli. nung una di sya nagreply. nag sorry ako sa kanya at inirason sobrang busy talaga ako those past few months. di din nya ako natiis and back na naman ang communication namin. hanggang sa grumaduate na din ako ng 4th year HS. Pilipinas here I come. Kent. here I come. pero di ko sinabi kay Kent na uuwi ako. susurpresahin ko kasi sya. sabi ko sa kanya sa Dubai na ako mag aaral kasi mas malakas ang advantage ko na makakuha agad ng work pag dun ako nag aral. naniwala naman sya. at ayun nga.
May 15 umuwi ako ng Pilipinas. di ko ipinaalam sa kanya na umuwi na ako. gusto ko kasi syang surpresahin at isa pa kailangan ko talaga syang makita kasi may padala ang Mama nya for him. kinabukasan 12 ng tanghali. bakasyon na nya kaya wala na syang pasok. pumunta ako sa suddivision kung saan sya nakatira at itinanong sa mga taga dun ang address na ibinigay sakin ng Mama nya. at natagpuan ko din ang bahay nila. I knocked on the door, may nagbukas. "Sino sila? Sinong kailangan mo?" tanong ng isang babae na medyo may edad na din. eto siguro ang tita ni Kent. ung kapatid ng mama nya. "Ah hinahanap ko po kasi tong address na to." at ipinakita ko ang papel na sinulatan ko ng address "Eto nga yan. bahay namin yang address na yan. bakit sana?". "Kayo po ba si Rosario Prinsipe?" "Ah ako nga. paano mo nalaman?" daming tanong no? kasi naman di ako nagpakilala agad. "Ako po si Jorel, may pinadala po kasi si Tita Annie para sa inyo at para po kay Kent. andyan po ba sya?" sagot ko naman. "Ay oo andito sya. ikaw naman di ka kaagad nagpakilala. sana kanina ka pa nakaupo. oh upo ka muna at tatawagin ko si Kent. " umupo naman ako. "Kent! Kent! bumaba ka nga dito. may naghahanap sa iyo" sigaw ng tita nya. "SIno daw?" sigaw din ni Kent. pambihira. new way of saving energy and time. SUMIGAW! bumaba si Kent from the stairs. tuminging agad sa tita nya. kaya di ako napansin o nakita. "Bakit po? Sino po bang naghahanap sakin?"
"Huy Kent!" bigla syang tumalikod at nanlaki ang mga mata nya. gulat na gulat sya na parang naluluha. pambihira. parang isang taon lang yun no!
"Kuya, akala ko ba di ka uuwi? andaya mo naman!""Surprise. hehehe!"at bigla syang tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng saglit. medyo mahigpit ah!
namiss ko talaga sya.
"Kuya, nakakamiss ka pala! ehehhe!" at nagtawanan lang kami.
Aun. reunited na naman kami. at dun na naman ang simula ng aming paglakwatsa at pag gala. during week ends o pag walang pasok. ayaw sana ng tita nya na palabas labas si Kent. pero syempre dahil ako ang kasama ok lang. kasi bawat labas namin alam iyon ng parents nya kasi ipinagpapaalam ko sa long distance call. kaya aun pasyal na lang kami ng pasyal ni kent. di na naman kami mapaghiwalay. and parang nawala ung lungkot ko simula ng makasama ko siya uli. Atleast now. I have a younger brother AGAIN! ang tanong BROTHER LANG NGA BA?
A year passed at 2nd year college na ako sa kursong B.S Psychology at sya naman eh 3rd year sa kursong Cmputer Science. kahit na busy kaming pareho eh di pa rin nawawala ang time namin para sa isat isa. if u will ask me. kung lalaki ba talaga ang gusto ko. HINDI! never pa akong nagkagusto sa kapwa ko lalaki. Kent was the first person na naramdaman ko ng ganito. i had several relationship with women. pero di lang talaga nagtatagal. conflicts maraming hadlang. at ganon din naman si Kent.
Eto andito kami sa isang bar ngayon. anong ginagawa? kino-comfort si Kent. pinipigilang maglasing. HEART BROKEN sya. ipinagpalit kasi siya ng Gf nya na si Trish sa isang basketball player sa school nila. awang awa ako kay Kent sa kalagayan nya ngayon. ngayon ko lang siya nakitang umiyak muli. at parang nadudurog ang puso ko sa bawat patak ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata. naka ilang baso na sya. lasing na lasing na sya. naku tama na to! medyo may malay pa naman sya pero pagewang gewang ng lumakad. nahirapan akong buhatin sya. medyo tumangkad at lumaki ang katawan nya ngayon eh kumpara dati na kaya ko syang ipasan sa likod ko. ngayon kailangan ko syang iakbay sakin at alalayang lumabas ng bar. isinakay ko sya sa kotse. kapagod ah! aun. dahil ayaw ko namang iuwi sya sa kanila sa ganong kalagayan. no choice ako kundi iuwi sya sa bahay para dun na lang makapag pahinga. pagdating sa bahay.
Tinawag ko agad ang bunso kong kapatid na babae. para mag init agad ng tubig. hirap na hirap ako at hingal na hingal. dahil kailangan ko pang iakyat siya sa 2nd floor ng apartment namin dahil nandun ang kwarto ko. nung nakaakyat na kami. ihiniga ko agad sya sa kama. bumaba ak agad. para kunin ung pinakuluang tubig at ibinuhos sa maliit na planggana at hinaluan ng tubig galing sa gripo para warm lang ung tubig. nagdala na din ako ng urinal at isa pang panggana just incase. kasi di ko naman sya kayang alalayan pababa. sa baba lang kasi ung banyo eh. pagbalik ko sa taas. nakahiga pa rin sya. hilong hilo talaga ata to. hinubad ko ang sapatos nya at medyas. tapos ug tshirt naman nya at ung pants nya. ngayon naka brief na lang sya. pupunasan ko na sana ng maligamgam na tubig na may alcohol para mahimasmasan pero bigla syang umupo. "Naiihi ako. " buti na lang dala ko ung urinal. "Oh eto hawakan mo" at inabot sa kanya ang urinal. sinubukan ng tumayo pero di nya nakayanan. kaya inalalayan ko sya. nakatayo ako sa likod nya para di siya tumumba. ay bastos na taong to. naihi na pala sa brief. kaya agad agad kong ibinaba ang brief nya at ako na. AKO NGA! ang humawak sa titi nya para ishoot sa urinal. pambihirang Kent to oh! bakit kailangan mag lasing. ayan tapos na syang umihi. nahihilo daw siya at gusto ng humiga. kaya ihiniga ko na din sya sa kama. at dahil basa na ang kanyang brief ng ihi. tinanggal ko na din ito. pinunasan ko na ng bimpo ang buong katawan nya. kasama na pati singit at kilikili. at pati un. alam nyo na! para mahimasmasan sya. medyo napatitig ako sa kanyang alaga. parang walang nagbago. medyo tumaba lang. ni di nga kumapal ang balahibo nya dun. just like before. nung nasa high school pa lang kami. inaamin ko medyo pinagpantasyahan ko sya. pero di ko naman ginawan ng kung ano ano. medyo nainggit lang din siguro ako kasi mas maganda ang itsura ng titi nya kesa sakin. ikumpara daw ba? hahahaha! binihisan ko na sya. sinuutan ko sya ng isang boxer at sando. para medyo presko. ayan. tulog na sya. parang isang maamong anghel. nag iba talaga ang itsura ni Kent. talagang pogi na sya ngaun. talagang binata na. marami sigurong naghahabol dito. pero sayang dahil lang sa isang Trish na un. nagkaganyan ka. di ko kaya un no! sana ako na lang! ay sinabi ko ba talaga un? buti na lang sa utak ko lang naglalaro ang mga salitang un. iniligpit ko na ang mga dinala kong gamit dun. kinuha ko ung isang comforter mula sa aparador para ilatag sa sahig at dun na lang ako matutulog. para makapgpahinga si Kent ng maayos. pero bago ko pa mailatag sa sahig ung comforter eh.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Kent na medyo mahina at alam mong may tama pa din. "NAglalatag. dito na lang ako matutulog. ""Wag na. tabi na lang tayo. ""Masikip na eh. dito na lang ah. ""Eh di tabi na lang tayo diyan. "Naisip ko na pag sa sahig kami natulog. matigas un. baka di din sya makatulog ng maayos kaya. "Sige na nga tabi tayo. kaya lang masikip na tayo dyan""Pagkakasyahin natin. tara na. " at pinagpag nya ung kamay nya sa side nya. ung parang sumesenyas na dito ka.
So humiga din naman ako. buti na lang medyo kasya kami. ngumiti lang sya. tapos bigla nya akong niyakap. mga ilang minuto lang eh di na sya gumagalaw. nakatulog na siguro. ok na matutulog na din ako. kaya lang pag pikit eh. "SMACK!" isang mainit na pares ng labi ang dumampi sa aking pisngi. hinalikan ba ako ni Kent? panaginip ba ito? at iminulat ko ang aking mga mata. nagulat ako. sobrang lapig ng mukha ni Kent sakin. ibig sabihin? hinalikan nya nga ako.
"Kent. may problema ba? di ka ba makatulog?" bigla nyang inilapit pa ang kanyang mukha sakin. ngayon sa sobrnag lapit eh nose to nose kami. at ngumiti lang sya ng nakakaloko. inilayo nya din ang kanyang mukha. grabe parang kinakabahan ako ah. lasing kasi sya. "WAla naman problema, Kuya Kent. salamat nga pala sa tulong mo ah. medyo nakalimutan ko na ung ginawa ni Trish sakin. pero may isa pa akong sasabihin sa iyo. medyo problema din. "
"Oh! eh ano ba un?"
humiga na din sya sa tabi ko.
"Alam mo Kuya. gusto kita. gustung gusto kita. di ko lang alam kung bakit. at di ko alam kung anong klaseng pagkagusto ang nararamdaman ko sa iyo. basta ayaw kitang nakikitang malungkot, ayaw kitang may kaaway at ayaw kita nakikitang umiiyak. noon ko pa to naramdaman eh simula ng una kitang nakasama. kaya lang medyo nawala un nungnagbago ka. sa totoo lang nung iniwasan kita. ang lungkot ko. pero pinilit kong sumaya. sabi ko isang araw babalik din si Kuya Rel na nagustuhan ko. at bumali nga. nung umuwi ka na dito sa Pinas. nakita ko uli ung dating Kuya Rel ko. ung taong gusto kong kasama. pero natakot ako. baka mali lang ang nararamdaman ko. " napatigil sya. sa sobrang haba ng sinabi nya. di ako makasagot. nakikinig lang ako. pero nagulat ako sa mga sinasabi nya. dala ba ito ng kalasingan? ibig sabihin may gusto din sya sakin? pero malay ko ba kung dahil lang sa kalasingan nya kaya nya nasasabi ang mga bagay na to diba? kaya di ko na lang pinatulan.
"Kuya REl. Mahal kita. kung alam mo lang. " Ano daw? tameme ako. na parang kinilig. pero mali ito.
"Alam mo Kent, sa tingin ko magpahinga ka na. kailangan mo ng matulog ok. " medyo nagbago ang expression ng mukha nya at bigla syang umupo. tumitig sa mga mata ko. seryoso ang kanyang mukha.
"di ka naniniwala? gusto mong patunayan ko sa iyo? isisgaw ko sa buong mundo" naku ha! wag ka ngang ganyan. "Hindi, naniniwala ako sa iyo. basta bukas na lang natin pag usapan to. gabi na. tulog na mga tao" yaw ko din namang mag iskandalo siya. nakakahiya kaya.
"Maniwala ka. mahal kita. " at bigla nya akong hinalikan sa labi. isang soft kiss lang naman. at ipinatong nya ang kanyang ulo sa aking dibdib habang nakayakap sya sakin.
maya maya di na sya gumagalaw. nakatulog na nga ata. ako naman eto. di mapakali. di makatulog. dahil sa mga sinabi nya. nagtataka lang din ako. bakit di inamin na gusto ko din sya? pagkakataon ko na sana. pero ayaw ko din namang samantalahin ang kalasingan nya. maraming naglaro sa isipan ko. at ang sunod ko na lang na alam eh. umaga na. gising na ako. nakayap pa rin sya sakin at parang di nagbago ang posisyon nya. tinangka kong alisin ang kanyang kamay na nakayakap sakin at iangat ang ulo nya kaya lang. hinigpitan pa nya lalo. "Dito ka lang. wag kang aalis. " sabi nya na parang nananaginip lang. no choice kundi wag umalis. ang init ng katawan nya. at sa di ko maipaliwanag na reason eh parang ayaw ko na ding umalis sa pagkakayakap nya. ung feeling na. akin na sya. di na sya aalis. parang ang sarap ng feeling ng may kayakap ka. feeling mo safe and protected ka. feeling mo di ka iiwan. alam nyo ba un?. after ilang minutes sa ganong posisyon eh. bumangon na sya. parang wala pa rin sa sarili. umupo na din ako. parang nagtataka sya kung nasan sya at kung anong nangyari sa kanya. at bakit iba na ang suot nya.
"Kuya? nasa bahay mo ako? anong oras na ba taung nakauwi? what happened?""Oo,.nasa bahay tau. sira ka kasi. maglalasing lasing ka dyan di mo naman pala kaya. so musta na pakiramdam mo?""eh. edyo mabuti buti na. binihisan mo ako?" sabay tingin sa ilalim ng boxers. nagulat siguro sya kung anong nangyari sa kanya. "Oo, binihisan kita. kung nagtataka ka kung bakit wala kang brief. naihian mo sa sobrang kalasingan mo. buti na lang di ka naguka no!""Ay nakakahiya naman pala. " buti alam mo. "Naku! buti alam mo!""Kuya. ""Hmmm?""Thank you nga pala. and sorry na din. ""Sus wala yun. basta wag mo ng uulitin to ah. di ang pag inom o paglalasing ang sagot sa problema. mas lalo mo lagn pinalala ang sitwasyon mo. "
tinanong nya lang ako sa mga nangyari kagabi. sinabi ko sa kanya na i-tenext ko na ung tita nya. na nandito sya. ikinuwento ko na din ung binihisan ko sya pati ung pag ihi nya. pero di ko magawang sabihin ung mga pinagsasabi nya kagabi. tama nga ako. dala lang ng kalasingan un kaya nya nasabi un. wala nga syang naaalala eh!
"Pero alam mo. wag na wag ka ng iinom sa susunod. at kung iinom ka man. wag ka maglalasing. kung ano ano tuloy mga pinagsasabi mo sakin kagabi. " ooops! sinabi ko ba un?"Huh? ano un? may nasabi ba akong naka offend sa iyo. naku careless ko talaga""bayaan mo na un. wala na un. wala naman ikaw sinabing masama eh! medyo nakakagulat lang. ""Ano ba yun?" mukhang curious sya ah. since sinimulan ko eh di sabihin ko na din. "About sa nararamdaman mo. ""kanino?" tanong naman nya"Sa akin. " sagot ko naman. biglang nanlaki ang mata nya at tila namutla sya. naku! bakit ko sinabi?"Sorry kuya ah! nadala lang siguro ako ng kalasingan. pero wala naman akong nasabi o nagawang ikinagalit mo?""so far wala. pero ayaw ko na iinom ka uli at magpapakalasing tulad ng ginawa mo kagabi. magagalit talaga ako pag inulit mo un" sabi ko naman"Kuya, promise di ko na uulitin un. wag ka magalit sakin ah!""Sige. " sa loob ng isang araw na un. nagkwentuhan lang kami. di ko na binanggit pa ang tungkol sa mga sinabi nya at ginawa nya nung gabi,,hahayaan ko na lang na sya mismo ang makaalala non. sitting in the living room. kumakain ng snacks. i cant help but notice his eyes. parang punong puno ng emotions, expressions at buhay. ibang iba sa nakita ko kahapon. bakit kaya? masayang masaya sya. ngiti ng ngiti at parang di mo mabayaran ang kanyang napaka among ngiti. grabe! lalo ata akong nagkakagusto sa iyo. pero di pwede. erase! erase! erase! 7: 00 pm na. sabi ko sa kanya. ihahatid ko na sya sa kanila. baka mapagalitan pa sya ng tita nya. medyo strikta din kasi eh! ayun nga hinatid ko na sya sa kanila. di naamn nagalit ung tita nya. medyo ka-vibes ko na din kasi at may trust sila sakin. ayaw kong sirain un.
so 3 days passed. 3 uncomfortable days. bakit kamo? dahil madalas sumagi sa isipan ko ung mga sinabi nya akin. parang kinikilig ako na kinikilabutan. tapos ung halik nya. kaya napapahawak ako sa pisngi at labi ko. di ako makapaniwala na sya ang first kiss ko sa mga lalaki. can this be love? wag naman sana! nagdadalawang isip kasi ako. baka mamaya eto pa ang makasira sa magandang pag kakaibigan namin. nasira ito noon. di ko hahayaang masira uli. BROTHER ko sya! best friend di pwede. di ko din maintindihan sarili ko. di naman ako dati ganito. bakit ngayon pa? bakit lalaki pa? bakit siya pa? yana ang mga tanong naglalaro sa isipan ko. di ako bakla paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. babae ang gusto ko. babae! pero laging umuukit sa aking utak ang mukha ni Kent. nababaliw na ata ako. sakit ba ito? ano ba itong nararamdaman ko? di ko matanggap. hanggang sa napaiyak na lang ako. the next thing i know. sa kalagitnaan ng pag eemote ko eh. nag riring na pala ang cellphone ko. si Kent. sasagutin ko ba o hindi? hindi. wag na lang. sige sagutin mo baka importante. ayan na naman ang magulo kong utak. at sinagot ko naman
"Kuya. asan ka?""Ah. Kent. ako andito sa bahay bakit?""On the way ako dyan ngayon, sana wala kang lakad. ""ah wala naman. sige lang hintayin lang kita. ""sige. kita kits. "
pupunta sya dito? OMG! ganito itsura ko>? yung mga mata ko namumugto pa. agad agad akong pumunta sa banyo. naligo. nagmadaling magshower. ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at naligo pa ako. dati rati naman maski 2 days akong di maligo nakakaharap ako ng maaus sa kanya.,.eh bakit ngayon? naku wala ng oras para sagutin ang tanong na yan. bilis bilis akong naligo. nagbihis. i looked at the mirror. di na halata ang pula ng mga mata ko. good. then after ilang minutes lang eh. may nag doorbell na. siya na un. ako lang mag isa sa bahay. may pasok kasi ang sister ko. gabi pa uwi non. solo namin ang isa't isa. hehehe! binuksan ko ang pinto. si Kent nga. may dala dalang isang Carton ng Ice Cream.
"Oh, Kent. wuzzup?""Wala lang kuya, namiss lang kita kaya binisita kita. ""Wala naman ako sakit ah?"tumawa lang sya. at inabot sakin ung ice cream. "Ano to?""ice cream!" sus! pilosopo!"Alam ko, eh para san to?""para sa iyo yan. diba favorite mo yan. pralines and cream. so ayan binilhan kita. ""eh oo nga. pero mahal to ah bumili ka pa. ""bayaan mo na. parang thank u gift ko na sa iyo yan. ""ah ganon ba. saglit lang ah. " pumunta muna ako sa kitchen at kumuha ng 2 cups at 2 spoons. bumalik ako sa sala. parang di mapakali si Kent. parang excited na di mo maintindihan. "Oh. napano ka? parang ang sayasaya mo na di maintindihan ah!""Basta. wala to! sige buksan mo na ung Ice cream" aba atat to ah! baka gusto nya kanyan na lang lahat to. "Naku! if I know. atat kang kumain. eh ibinigay mo to sakin eh. " tuloy tuloy kong sabi habang binubuksan ung ice cream. nag sasalit pa rin ako. sasandok na sana ako ng ice cream kaya lang pagtingin ko sa ice cream may nakasulat. kaya naatitig ako sa ice cream
"I love you po, Kuya" aba! sosyal pwede na palang magsulat sa ice cream ngayon? how sweet! pero teka bakit i love u kuya ang nakasulat dito? ay baka nagtataka kayo. di po ink ang ginamit na panulat kundi chocolate. chocolate syrup ata to na tumigas. ang galing nga eh!
"Teka bakit may I love u ito? mali ata nabigyan mo nito. " at ngumiti lang naman sya.
at dahil gusto ko na din kumain ng ice cream dahil mainit. nevermind. bayaan mo na ang nakasulat. kain na lang.
"Kuya, i remembred what I did and said to u nung gabing lasing ako. nakakahiya man. pero i think i better explain myself. " inabot ko sa kanya ang cup na may ice cream. hinawakan lang nya habang ako eto tameme. nakikinig lang sa kanya.
"What I said during that night. ung nararamdaman ko. di un dahil sa lasing ako. totoo un. Mahal kita kuya. noon pa man. " medyo muntik ko ng mailuwa ung ice cream nasamid at napaubo ako. pero di naman grabe
"Kent. ano ba yang pinagsasabi mo! suntok gusto mo?" ayaw ko kasing pag usapan eh. naguguluhan lang ako.
"di ako nagbibiro at di kita niloloko. totoo ang sinasabi ko. since naipagtapat ko na pala sa iyo nung lasing ako. eto ipinagtatapat ko uli sa iyo na maayos ang utak ko. maniwala ka naman please. magsalita ka please" napansin nyang tameme ako at parang wala sa sarili. speechless ako eh. ano naman sasabihin ko dito?
"Ah. eh. di ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa iyo. actually maski inamin mo na ung nararamdaman mo for me. di ko na lang pinansin. nakakagulo lang ng isipan. mas gusto ko ganito na lang tau. di ka ba masaya na bestfriends tau?"
"umm. masaya ako. masayang masaya. kaya lang di maiaalis na may nararamdaman ako para sa iyo. dati nawala na to eh. ewan ko kung bakit bumalik. simula ng bumalik din ang dating Kuya Rel ko.
Naku mawawala din yan. kita mo nga nawala na dati. iwala mo na lang uli. eh paano kung nagbago ako. paano kung bumalik ako sa pagiging kontra bida na kuya? diba mawawala din yan. naku wag mong saktan ang sarili mo. di tayo talo. " idinaan ko na lang sa pagiging pilosopo ang sagot ko.
tiningnan ko sya. ni di ma lang nya nagalaw ung ice cream nya. nasa kamay lang nya ung cup. tunaw na nga ata ung ice cream eh. napatingin ako sa mukha nya. malungkot. nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. OH NO! sinaktan ko na naman ba ang bestfriend ko? bakit ba kasi di ko maamin ang nararamdaman ko? takot ba eto? di ko kasi matanggap sa sarili ko na nagkaganito ako. HELP ME!
"Hindi na to mawawala. mahal kita. gusto kita. di kita iiwan. bakit ba ayaw mong maniwala? Kuya! kelan ba ako nagsinungaling sa iyo? kelan kita niloko?" kung tutuusin di pa sya nag lihim sakin ng kahit ano maliban nga lang sa nararamdaman nya para sakin. and here we are. parehong di alam ang gagawin.
"Nung una akala ko, kaibigan lang, bestfriend o kuya ang nararamdaman ko sa iyo. akala ko hanggang dun lang. un pala hindi. mahal na pala kita bilang isang special na tao sa puso ko. kuya maniwala ka naman please. " unti unti ng pumapatak ang luha mula sa kanyang mga mata. di ko na din mapigilan. naluluha na din ako. diba sabi ko nga nanghihina ako pag nakikita kong umiiyak si Kent. sige Jorel. aminin mo na. wag mo ng pahirapan ang isat isa.
"Kent. sige. may gusto din akong malaman mo. "tumingin sya sa mga mata ko. "Makinig ka lang please" at umupo sya ng maayos.
"Kent. I am so blessed na nakilala kita. di ko maipaliwanag una pa lang ang gaan na ng loob ko sa iyo. i see u as a younger brother and my bestfriend. hanggang sa di ko na din napigilan ang sarili kong umibig sa iyo. which is di ko matanggap. di ko alam kung paano nagsimula, saan nanggaling o bakit nagkaganito ako. kilala mo naman ako. babae ang gusto ko. pero iba ang naramdaman ko sa iyo. naguguluhan ako. sabi ko sa sarili ko pipigilan ko ang sarili ko hanggat kaya ko. kita mo namang kinakaya ko. pero ang di ko kaya eh. ang makita kang umiiyak at nasasaktan. parang dinudurog ang puso ko pag nakikita kang ganon. aaminin ko. DUWAG AKO! takot akong tanggapin ang pagkatao ko ngaun. nagulat lang ako. ikaw din pala ganon. " di pa ako nakakatapos ng sinasabi ko ng bigla syang nagsalita
"Kita mo. kung ako nga nakaya kong tanggapin ang pagmamahal ko sa iyo. ikaw pa kaya? tinanggap ko na iba na ako. na ikaw na ang mahal ko. ikaw kapwa ko lalaki. " may point sya. umiiyak pa rin sya.
"Kent. ano ba talagang gusto mo?"
"Gusto kita. mahal kita. "
at di ko na napigilan. huminga ako ng malalim. ipinikit ang aking mata at hinyaang dumaloy ang luha na parang gripo. sana'y tama ang gagawin ko. tatanggapin ko na ang aking pagkatao. sana'y di ako mabigo. sana'y di ako magkamali
"Mahal din kita Kent, Mahal na MAhal." at tuluyan na syang umiyak ng sobra. ako din naman eh! ang drama namin pareho pero ganito talaga eh!
"TAlaga?" tanong nya
"Opo. mahal kita. pero ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko. ayaw kong maniwala na totoo to. pero di ko pala matatakasan. Mahal din kita. "
lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Thank u. Kuya. Mahal naa mahal kita. di kita sasaktan at iiwanan. " bulong nya
"Di ka na iiyak uli Kent. Mahal na mahal din kita. " bulong ko din naman.
Sa sobrang saya namin eh parang kami na lang ang tao sa mundo. na parang solo namin ang langit at lupa. na walang ibang nilalang na nabubuhay. kumalas ako sa pagkakayakap. tinitigan ko sya sa mata. and then it happened. ang di ko inaasahang gagawin ko. I kissed him on this lips. a very soft kiss followed by a torrid one. ngayon french kiss na kami. ang init ng labi nya. grabe! para akong kinukuryente. di ko pa to naranasan before. matagal din kaming naghalikan. hanggang sa tumigil kami. kumuha sya ng panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang luha mula sa aking pisngi. at hinalikan ako sa cheeks. ganon din ang ginawa ko sa kanya. tumabi ako sa kanya. inakbayan ko sya. habang kumakain kami ng ice cream. nagbago ang pakiramdam ko. parang mas gumaan na ngayon. parang mas nakakahinga na ako ng malalim. parang tanggap ko na talaga. parang ang saya saya ko. ang gaan feeling. naging maganda na din ang mood ni Kent. sa tuwing ngumingiti sya eh parang nabubunutan ng tinik ang dibdib ko. sa tuwing titingin sya sakin eh parang kinikilig ako. siguro this is how its supposed to be. i turned on the dvd player at nanood ng the notebook. wala kasing iba eh kaya un na lang ang pinagtiyagaan isa pa favorite movie ko un no. while watching. nakaakbay ako sa kanya at sya naman eh nakahawak sa isa kong kamay while ang aming mga ulo eh nakasandal sa isat isa. ang sweet ng moment na un. PERFECT. and that was 2 years ago.
Yup! 2 years na kami ni Kent. at sa loob ng 2 years na un. di mawawala ang kulitan, tampuhan, harutan at lahat na. tulad pa rin nung mag best friend kami. pero syempre nadagdagan. ng kilig moments. lambingan. romansahan. at we kissed each other if we have our own time. pag kami lang. medyo tago pa kasi ang aming relationship. sa tingin kasi ng iba. we are so BESTFRIENDS lang. pero pag kami na lang. bestfriends and partners in crime. lol. actually 1 year pa bago kami nagsex ni Kent. noon kasi ayaw ko pang gawin un dahil ayaw kogn dumating ang panahon na maghihiwalay din kami na may nangyari samin. baka un pa ang makasira sa amin. pero dahil tumagal nga kami at naging sigurado kami sa mga bagay bagay. ayun Sept 26, anniversary namin. dyan nangyari ang aming first sex. after 1 year of lambingan and romansahan. ngayon lang namin nagawa. and it was worth it. talagang di ko un makakalimutan. iba pala talaga feeling pag mahal mo ang kasama mo sa bed. at ang partner mo sa alam nyo na. Kent is such a great guy. oh btw. pareho kaming VERSATILE. para fair daw. di ko na ikukuwento sa inyo kung ano ang pinag gagagawa namin. alam ko kwentong kalibugan dapat dito.
pero i want to make my story clean as possible. my story isnt just about sex and the world of lust. it's more of the love that was built through friendship. about accepting who you are. ngayon alam ko na, na di talaga kagustuhan ng sinuman na maging iba. akala mo un ka na. hanggang sa may darating na pagkakataon na magmumulat sa mga mata mo at makit mo kung sino ka talaga. ako. i've changed. i've changed because i love my bestfriend. pero other than him. wala na. wala na akong hahanapin pang iba. TINANGGAP KO ANG SARILI KO SA PAGIGING IBA KO! Sino nga naman ba ang magaakala na magkakaganito kami diba? alam ko marami pa sa atin ang di kayang tanggapin ang ating katayuan sa buhay dahil takot. takot na makutsa at maliitin o laitin ng ibang tao. mga taong makikitid ang utak. di kasi nila nararanasan o nararamdaman ung feelings natin. pero because of Kent. natutunan kong mahalin kung sino talaga ako. di ko talaga inakalang aabot kami sa ganito. dahil kilala ko sya. kilalang kilala ko simula pa lang noon. at kilala nya din ako. pero tingnan nyo kami ngaun. sinong makapagsasabing kami na! 2 years of love and friendship. as i said bestfriends pa rin kami. pero may mga u know na! mas lalo syang napalapit sakin. sa puso ko. diba love moves in mysterious ways nga sabi ni nina ang LOVE IS UNCONDITIONAL. marami pa sa atin ang nagtatago sa closet. takot kayo. ganyan din ako noon. pero nung tinanggap ko na ang aking pag katao mas nakahinga ako ng malalim.
comments and your stories please email it to me: www.rodelbonner_26@yahoo.com.ph

2 comments:

shinichi said...

ang ganda nung story..may i wish a good relationship bet. the two of u..may times na magkasama kayo na parang aco din..wahahaha..parehas pa poh tayu notebook ang favorite movie..ehehehe..pa add nlang poh sa fs and ym..dream_emo14@yahoo.com..tnx^^

yan yan said...

I remembered my best friend kung saan andami kong experiences with him na parang wala Ng katapusan when you where both together. I love your story
Your relationship was very nice po hope you will have a good relationship.